Biyernes, Agosto 5, 2011

"Wikang Filipino: Wikang Maipagmamalaki Ko, Lilinangin Ko"

            "Magandang Araw! Maayong Adlaw! Maupay na Adlaw! Mayad na Adlaw! Good Morning!" Hindi  ba kayo nagtataka sa bating nasa wikang ingles? Malungkot mang sabihin, ang ating kultura ay talagang nahaluan na ng mga wikang banyaga. Unti-unti na nating nililimut ang ating wika. At ang masaklap pa, tayong mga "Pag-asa ng Bayan" pa ang tumatalikod dito. 

            Base sa kasaysayan ng bansa, ilang mga bayani na ang namatay sa kagustuhang mapanatili ang ating sariling kultura. At ang mga istoryang ito ay iilang lamang sa mga bagay na nasa likod ng ating wika na karapat-dapat nating ipagmalaki.

            Ngunit, para saan pa ang mga buhay na inalay kung tayong mga Pilipino mismo ang lilimot sa ating wika?

            Kung tuluyan nang mawala ang ating wika, ito ay katumbas na rin ng pagkawala ng pinaka-importanteng sangay ng ating kultura.

            Kaya, simula ngayon ay dapat na siguro nating linangin at tanawing muli ang ating sariling wika. Kahit ang simpleng pag-gamit lang natin sa ating wika ay isa nang malaking ambag para sa muling pag-bangon ng wikang unti-unti na nating nililimot. At mas dapat pa natin bigyang halaga ang ating wika sapagkat ito na lamang ang nagbibigay sa atin ng imaheng Pinoy.

            Pero, ikaw pa rin ang may hawak ng sarili mong desisyon ukol sa isyung ito. Lilinangin mo ba o ipagmamalaki ang wikang Filipino, o basta mo na lang itong hayaan at tuluyan nang limutin?







This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

15 komento:

  1. sa iyong blog,ang mapupuna ko ay yung sinabi mong "simula ngayon ay dapat na siguro nating linangin at tanawing muli ang ating sariling wika"wag dapat siguro,dapat"simula ngayon ay dapat nating linangin at tanawing muli ang ating sariling wika"
    ibahin mo ... hehehe

    TumugonBurahin
  2. @jharvie: tama nga na di ko dapat ginamit ang salitang "siguro" ngunit, bilang may akda ng arikulong ito, iisa lamang ang aking hangarin, ang mang-hikayat ng mga Pilipino at hindi ang pag-tulak sa kanila sa desisyong gusto kong mangyari..

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. Ako'y sumasang-ayon sa iyong artikulo. Dapat simula ngayon ay mas linangin na natin ang ating wika upang hindi dumating ang araw na tuluyan na itong makakalimutan ng mga Pilipino.

    TumugonBurahin
  5. Achaemenid PanuncilloAgosto 5, 2011 nang 6:10 PM

    salamat sa iyong pagsang-ayon.. naway magkatotoo sana ang ating mga hangarin ukol sa pagpapanatili ng ating wika..

    TumugonBurahin
  6. Maganda ang iyong pahayag at ako'y sumasang-ayon dito.Kailangan nating linangin ang ating sariling wika sapagkat isa ito sa nagbibigay identidad sa atin.At dapat natin itong ipagmalaki!.

    TumugonBurahin
  7. LILINANGIN KO AT IPAGMAMALAKI ANG AKING SARILING WIKA, sapagkat ito ay sariling akin at hindi ko ito kakalimutan kahit kailan. Napakagandang pahayag, ginoo ! Good Luck sa iyo ! :)

    TumugonBurahin
  8. SALAMAT SA IYONG PAGSANG-AYON BINIBINI! at salamat din sa pag-lalaan mo ng oras para basahin ang aking artikulo.. ^_^

    TumugonBurahin
  9. Sumasang-ayon ako sa iyong artikulong inilimbag. Gaya nga ng nakasulat sa iyong artikulo, simula ngayon dapat na nating linangin at tanawing muli ang ating sariling wika, sapagkat nahahaluan na ito ng mga ibat-ibang lenggwahe o mga salitang banyaga.

    TumugonBurahin
  10. Iisa lang ang ating pambansang wika..kaya dapat siguro ay atin itong bigyang halaga at atin din itong ipagmalaki ..
    Kahanga-hanga ang iyong artikulo kaibigan..

    TumugonBurahin
  11. SALAMAT SA INYONG MGA-KUMENTO MAGKAPATID NA EVARDONE!! nawa'y susuportahan niyo ang aking blog di lang sa kumento kundi pati na rin sa pag-gamit niyo sa ating minamahal na wikang Filipino!! salamt talaga!!

    TumugonBurahin
  12. Sumasang-ayon ako sa iyong artikulo. Dapat natin linangin at bigyan halaga ang ating sariling wika.

    TumugonBurahin