Sabado, Agosto 13, 2011

"Sariling Wika, Patungo sa Kaunlaran at Maayos na Pag-uugali."

          Kung ating papansinin, halos lahat na ata ng mga "Teen-Agers" na Pilipino ay mas kinagigiliwan pa ata ang mga wika at iba pang bagay na galing sa ibang bansa. Mas ginugusto pa nilang makinig at manood ng mga bagay na wala namang kaugnayan sa ating sariling kultura. Ang mga pangyayaring ito siguro ang pumipigil sa pag-unlad ng sarili nating bansa.

          Ang ating wika ay ang isang malaking bagay na nagpapanatili ng ating pagkakabigkis. Kung tuluyan ng mawala ang bagay na ito, hindi malayong tayong mga Pilipino ay mawawalan na ng pagkakakilanlan. At ang pagkakawala ng ating pagkakakilanlan ay isang bagay na hindi natin gustong mangyari.

          Kaya, lagi nating isipn na gamit  ang ating sariling wika, tayong mga Pilipino ay siguradong uunlad. Gamit ang ating sariling wika, ang lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng magandang pag-uugali. Gamit ang ating sariling wika, ang lahat ng Pilipino ay magkakaunawaan at walang gulong magaganap. Sa madaling sabi, gamit ang ating sariling wika, tayong mga Pilipino ay hindi malayong papantay na rin sa mga mauunlad na mga bansang ating iniidolo.











This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

                  

11 komento:

  1. ang ganda ng artikulong ito...dapat talaga nating gamitin ang sariling wika...

    TumugonBurahin
  2. tama ka sa iyong mga sinabi achaemenid.

    TumugonBurahin
  3. pinoy nga ako...ngunit mahirap magpaka pilipino

    TumugonBurahin
  4. wew. tama ang iung mga isinalaysay. marami na tlgang mga kabataan ang nahuhumaling sA WIKA ng ibang bnsa. sanay maisip nila na Pilipino sila, kailangan parn nilang gmtn ang ating salita.

    rynlzbm: tama,pinoy ka, pero mahrap magpaka pilipino. lalo nat ang nakapaligid sa iu ay nahuhumaling sa mga wika at kinikilos ng mga banyaga. sadyang nasasalinan na dn tau ng mga ugaling d kaaya aya. marami ng mga kabataan ang sumasagot sa knilang mga magulang. d naman ganun ang totoong pilipino.

    TumugonBurahin
  5. Maraming Salamat sa inyong mga puna. Tama nga siguro na mahirap magpaka-pilipino. pero,gamit ang ating sariling wika, ating maipapakita ang ating pagka Pilipino.

    TumugonBurahin
  6. ang pagtangkilik din ba sa NBA ay isa rin bang halimbawa ng pag-talikod sa ating sariling kultura?

    TumugonBurahin
  7. sa iyong tanong kaibigang jebee,, siguro nga ay isa na rin itong halimbawa ng unti-unti nating paglimut sa ating sariling kultura. Ngunit, depende pa rin yan sa uri ng taong tumatangkilik dito. Kung gusto nila ang NBA dahil may mga iniidolo sila dito, siguro nga ay hindi ito pagtalikod, bagkus, isa itong pag-hanga sa kanilang mga manlalaro. ngunit, kung ang pagtangkilik mo naman sa NBA ay sumusobra na, na halos buong buhay mo ay nakabase na rito, maituturing na rin siguro iyon na isang halimbawa ng unti-unti na ring paglimot sa ating sariling wika.^_^

    TumugonBurahin
  8. Ang nais ko lang ipahiwatig ay, kung tayo ay may iniidolo, lalo na kung ito ay hindi naman konektado sa ating sariling kultura, kung maaari siguro ay atin itong limitahan. ^_^

    TumugonBurahin
  9. Tama ang lahat ng iyong sagut kuya Cheam ngunit maitanong ko lng nga sa iyo, hindi rin ba lubos ang pag hannga mo kay Blake Griffin???

    TumugonBurahin
  10. Oo nga.. inaamin ko na ako mismo ay tumatangkilik din sa mga taong walang kinalaman sa ating sariling wika.. ngunit, gaya nga ng sinabi ko, walang masamang epekto ang pagtangkilik sa mga ito kung atin laman itong lilimitahan.. ^_^

    TumugonBurahin