Linggo, Agosto 28, 2011

"Ang Pulong"

    Sa isang mahirap at mabagal umunlad na bansang di ko kabisado, ako'y naimbitahang dumalo sa isang pulong ng mga representante sa bawat rehiyon ng bansang iyon.

    "Naku, huli na ako ng limang minuto, baguhan pa naman ako dito," nasambit ko na ma'y halong pagmamadali.

   *tok-tok-tok*

    "DAYUN!" sambit ng isang lalaki sabay bukas sa pinto.

    "Ano daw?" hindi ko naintindihan ang wikang sumalubong sakin ngunit pumasok na lang ako sa pagbukas ng pinto.

   Magulo ang naabutan kong pulong sa loob ng silid. Sigawan dito, Sigawan doon, MAINGAY!

   "Gahud gud kamu da!" --- "HILOOOOOM!" --- "Paghipus kamu!"

   "Waaaaaaaaaah!" ang tanging nasagot ko.

    *POK-POK-POK*

   Natahimik ang lahat sa hampas ng malyete na hawak ng lalaki sa malaking upuan. Hudyat ito na magsisimula na ang pormal na pulong.

   Nagsimula ng mag "SIGN-LANGUAGE" ang lalaki. Nagkanda hirap-hirap ako sa pag intindi sa kanyang nais ipahiwatig. Di ko lubos maisip paano naiintindihan ng mga kasamahan ko ang mga kumpas ng kamay ng presidente. Sumakit ang ulo ko sa aking natunghayan.Kaya pala ang bagal ng pag-unlad, walang sistema ang bansang iyon sa usaping wika. Matagal na pala ang problemang iyon ngunit di masulosyon-sulosyunan, sapagkat ang bawat tribo na nandoon ay nagmamatigas sa kanilang kinagisngang wika. Nagkakanya kanya sila sa pamumuhay, kaya di maka angat angat ang bansa.

    "AAAAAAAAAHHHHHHH!" sa inis tumayo ako ng walang alin langan!

    *BBBLLAAGGG!* binagsak ko ang pinto at tuluyan nang umalis.

    Dito ko naisip ang importansya ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad. Nilaganap ko ito sa aking pinanggalingan at nag bunga ang aking paghihirap, lumago ang aming lugar at mabilis ang pag asenso.







   
   




Tema: Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas



This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook



  

7 komento:

  1. GALING MO CHEAM!!! PANALO KANA!!!!!!!! WOHHHHH!!!!!

    TumugonBurahin
  2. Salamat sa pagtangkilik ng aking artikulo kaibigang Allyn. ^_^

    TumugonBurahin
  3. ACHAEMENID!!!!! ACHAEMENID!!!! sang ayon aq sa bawat salitang iyong binigkas upang mabuo ang artikulong ito! BRAVO!!!!! ^_^

    TumugonBurahin
  4. sang-ayon ako sa iyong artikulo na inilimbag. dapat nga talagang may pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng ating bansa tungo sa magandang kinabukasan.

    TumugonBurahin
  5. Sang ayon ako sa iyong pahayag kaibigan. Kailangan talaga nating gamitin ang ating wika upang tayong lahat ay magkakaintindihan at magkakaunawaan. Paano nga ba uunlad ang ating bansa, kung tayong mga Pilipino ay hindi na nagkakaintindihan? Paano natin mailalahad sa iba ang nais nating iparating kung hindi din naman nila ito maiintindihan. Paano pa kaya uunlad ang bansa natin? Napakagandang pahayag kaibigan. Marami kang mga Pilipino na nabigyang inspirasyon para gamitin ang ating sariling wika.

    TumugonBurahin
  6. salamat sa iyong pagsang-ayon BINIBINING HYEJE! sanay marami ngang Pilipino ang mabigyang inspirasyon sa pag-gamit ng ating sariling wika.

    TumugonBurahin