Martes, Agosto 30, 2011

"Sariling Wika, Sangkap sa Kabayanihan."

            Ang ating sariling wika ay isa ng paraan ng paglalahad ng ating mga sariling saloobin. Ang bawat pahayag ng mga Pilipino ay may isang natatagong kahulugan sa likod nito. Hindi man ito lantarang nakikita ng ating dalawang mga mata, naisasapuso naman ito ng mga Pilipinong may malaking pagpapahalaga ng ating sariling wika. At ang malaking bagay na ito ay ang Kabayanihan para sa pag-unlad ng bansa.
            Kabayanihan sapagkat sa bawat salitang lumalabas sa mga bibig ng bawat Pilipino, nais nilang ipakaita ang kagustuhang pag-angat ng bansa. Gaya ng ating mga kagalang-galang na mga guro, sa bawat salitang lumalabas sa kanilang mga bibig, dito lamang nila maipapakita sa ating mga mag-aaral ang kagustuhan nilang iangat natin ang sarili nating bansa. Sapagkat alam nila na tayong mga kabataan ang natitirang paraan para sa pag-angat ng ating bansa.
             At para naman maipakita natin ang ating pagmamahal sa ating bansa, dapat simulan natin ito sa pag-gamit ng ating sariling wika. Dapat nating isipin na sa lahat ng nakakamtan nating mga tagumpay na hatid sa atin nga ating wika, nakakabit na dito ang unti-unting pag-angat ng ating bansa.

             Kaya, para sa mga Pilipino na may lakas ng loob na ipagsigawan sa buong mundo na siya'y Pilipino, BAYANI KA!!







Tema:  
             Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan





This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook


Linggo, Agosto 28, 2011

"Ang Pulong"

    Sa isang mahirap at mabagal umunlad na bansang di ko kabisado, ako'y naimbitahang dumalo sa isang pulong ng mga representante sa bawat rehiyon ng bansang iyon.

    "Naku, huli na ako ng limang minuto, baguhan pa naman ako dito," nasambit ko na ma'y halong pagmamadali.

   *tok-tok-tok*

    "DAYUN!" sambit ng isang lalaki sabay bukas sa pinto.

    "Ano daw?" hindi ko naintindihan ang wikang sumalubong sakin ngunit pumasok na lang ako sa pagbukas ng pinto.

   Magulo ang naabutan kong pulong sa loob ng silid. Sigawan dito, Sigawan doon, MAINGAY!

   "Gahud gud kamu da!" --- "HILOOOOOM!" --- "Paghipus kamu!"

   "Waaaaaaaaaah!" ang tanging nasagot ko.

    *POK-POK-POK*

   Natahimik ang lahat sa hampas ng malyete na hawak ng lalaki sa malaking upuan. Hudyat ito na magsisimula na ang pormal na pulong.

   Nagsimula ng mag "SIGN-LANGUAGE" ang lalaki. Nagkanda hirap-hirap ako sa pag intindi sa kanyang nais ipahiwatig. Di ko lubos maisip paano naiintindihan ng mga kasamahan ko ang mga kumpas ng kamay ng presidente. Sumakit ang ulo ko sa aking natunghayan.Kaya pala ang bagal ng pag-unlad, walang sistema ang bansang iyon sa usaping wika. Matagal na pala ang problemang iyon ngunit di masulosyon-sulosyunan, sapagkat ang bawat tribo na nandoon ay nagmamatigas sa kanilang kinagisngang wika. Nagkakanya kanya sila sa pamumuhay, kaya di maka angat angat ang bansa.

    "AAAAAAAAAHHHHHHH!" sa inis tumayo ako ng walang alin langan!

    *BBBLLAAGGG!* binagsak ko ang pinto at tuluyan nang umalis.

    Dito ko naisip ang importansya ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad. Nilaganap ko ito sa aking pinanggalingan at nag bunga ang aking paghihirap, lumago ang aming lugar at mabilis ang pag asenso.







   
   




Tema: Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas



This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook



  

Sabado, Agosto 13, 2011

"Sariling Wika, Patungo sa Kaunlaran at Maayos na Pag-uugali."

          Kung ating papansinin, halos lahat na ata ng mga "Teen-Agers" na Pilipino ay mas kinagigiliwan pa ata ang mga wika at iba pang bagay na galing sa ibang bansa. Mas ginugusto pa nilang makinig at manood ng mga bagay na wala namang kaugnayan sa ating sariling kultura. Ang mga pangyayaring ito siguro ang pumipigil sa pag-unlad ng sarili nating bansa.

          Ang ating wika ay ang isang malaking bagay na nagpapanatili ng ating pagkakabigkis. Kung tuluyan ng mawala ang bagay na ito, hindi malayong tayong mga Pilipino ay mawawalan na ng pagkakakilanlan. At ang pagkakawala ng ating pagkakakilanlan ay isang bagay na hindi natin gustong mangyari.

          Kaya, lagi nating isipn na gamit  ang ating sariling wika, tayong mga Pilipino ay siguradong uunlad. Gamit ang ating sariling wika, ang lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng magandang pag-uugali. Gamit ang ating sariling wika, ang lahat ng Pilipino ay magkakaunawaan at walang gulong magaganap. Sa madaling sabi, gamit ang ating sariling wika, tayong mga Pilipino ay hindi malayong papantay na rin sa mga mauunlad na mga bansang ating iniidolo.











This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

                  

Biyernes, Agosto 5, 2011

"Wikang Filipino: Wikang Maipagmamalaki Ko, Lilinangin Ko"

            "Magandang Araw! Maayong Adlaw! Maupay na Adlaw! Mayad na Adlaw! Good Morning!" Hindi  ba kayo nagtataka sa bating nasa wikang ingles? Malungkot mang sabihin, ang ating kultura ay talagang nahaluan na ng mga wikang banyaga. Unti-unti na nating nililimut ang ating wika. At ang masaklap pa, tayong mga "Pag-asa ng Bayan" pa ang tumatalikod dito. 

            Base sa kasaysayan ng bansa, ilang mga bayani na ang namatay sa kagustuhang mapanatili ang ating sariling kultura. At ang mga istoryang ito ay iilang lamang sa mga bagay na nasa likod ng ating wika na karapat-dapat nating ipagmalaki.

            Ngunit, para saan pa ang mga buhay na inalay kung tayong mga Pilipino mismo ang lilimot sa ating wika?

            Kung tuluyan nang mawala ang ating wika, ito ay katumbas na rin ng pagkawala ng pinaka-importanteng sangay ng ating kultura.

            Kaya, simula ngayon ay dapat na siguro nating linangin at tanawing muli ang ating sariling wika. Kahit ang simpleng pag-gamit lang natin sa ating wika ay isa nang malaking ambag para sa muling pag-bangon ng wikang unti-unti na nating nililimot. At mas dapat pa natin bigyang halaga ang ating wika sapagkat ito na lamang ang nagbibigay sa atin ng imaheng Pinoy.

            Pero, ikaw pa rin ang may hawak ng sarili mong desisyon ukol sa isyung ito. Lilinangin mo ba o ipagmamalaki ang wikang Filipino, o basta mo na lang itong hayaan at tuluyan nang limutin?







This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

Tunay na Pinoy

Ang pagiging tunay na pinoy ay hindi lang makikita sa pag-kilos, pananalita, sa kulay ng buhok o kutis, o anumang pisikal na anyo na makikita ng isang mata. ang pagiging tunay na Pilipino ay makikita sa bawat desisyong ginagawa, sa bawat pag-uugali, sa bawat asal na kayang ipakita ng isang tao. Ang pagiging tunay na Pilipino ay makikita sa Puso't Diwa ng isang tao. Ito'y naging kakabit na rin ng katauhan ng isang tao. Hindi lang dahil sa tagalog siya kung mag-salita, masasabi mo na kaagad na siyay isang tunay na Pinoy sapagkat, ang pagiging isang tunay na pinoy ay makikita lamang sa pamamaraan niya sa kanyang pangaraw-araw na mga gawain.